Dahil sa kagustuhan kong i-blog ang mga nakaraang pangyayari sa aking normal na buhay, kahit ako'y nasa ubang bahay, nagblog pa rin ako. Pero abng hirap dito, hindi ako sanay sa keyborad nila, tapos puro para walang nakalagay sa letters. Buti na lang, mejo kabisado ko na rin ang keyboard, Kundi, e di sana wala kang binabasa ngayon diba? Thoughhindi rin naman opportunity sa'yong mabasa mo 'to. Basta, ang point, kahit hindi mo ginusto, binabasa mo ngayon 'to.
Para lang alam mo, nasa bahay ako ni Glea. Sa Laguna. Ang layo nga ee, pero kahit na marami talaga akong kailangang gawin at ipasam sige pa rin. Masaya naman ee. Kaya ayos lang to. At kung interesado ka, natutulog sila ngayon. Akom well eto, nagtataype.
Kahapon, kahit may tests pa kinabukasan, ang lakas ng loob naming pumunta ng MOA at manuod ng Alice in Wonderland. Ang plano talaga ay panuorin lang 'yung normal na palabas. Kaso, sa nga hindi inaasahang pangyayari, kinailangan naming manuod sa 3D. Pero alam mo, hindi ako nagsisisi kasi ang ganda talaga. 'yung alam mong hindi nasayang 'yung perang ginastos mo para manuod? (Well, dahil makapal ang mukha ko, pera ng iba ang ginastos ko, namalimos ako dahil naghihirap na talaga ako.)
Alam mo kung bakit maganda 'yung movie? Kasim nandoon si Johnny Depp(na sobrang hot pa rin kahit isa na siyang Mad hatter), si Anne Hathaway( na sobrang poise at finess ang pinapakita lkhit nakikipaglaban na sa isang gera,), at dahil naniniwala ako sa six impossible things before breakfast.
1. There is a potion that can make you shrink.
2. There is a cake that can make you large.
3. Animals can talk.
4. There is a smiling cat.
5. There is a place called Wonderland.
6. Alice can slay the Jabawocky,
Ang mga kasama ko ay sina cleo , allena, de juan, brent, glea, mong, lois at glenn. Masaya talaga manuod lalo na kapag masaya ring manuod ang mga kasma mo. Para lahat kayo, masaya. At ang panunuod niyong lahat ay masaya. basta MASAYA.
May isa nga palang caterpillar ang nagsabi sa aking, "You won't acconplish anything by your tears." Tama siya. At siya ay kulay ASUL.
6.39.AM.