Saturday, February 27, 2010

Sakit sa ulo.

Ang sakit ng ulo ko. Alam mo 'yung lagi kong nararamdaman tuwing sabado? Kung kilala mo ako, alam mo kung bakit. Kung hindi, o di eto, sasabihin ko sa'yo. Kasi, tuwing sabado, hapon na ako nagigising. Ngayon, alas-tres na ako nagising. At dahil kapag sobra ka sa tulog, masakit sa ulo, lagi ko 'yang nararamdaman tuwing sabado dahil lagi akong hapon magising. Naintindihan mo ba? Sana na-gets mo, ayaw ko na kasing ulitin. :p

Pero alam mo, bukod pa doon, may iba pang sanhi kung bakit masakit ang ulo ko.

Una. Andami kong kailangang gawin sa Physics. Hindi ko naman maintindihan, as in wala akong maintindihan.

Pangalawa. May test kami sa El FIli sa Monday, CHapters 1 - 39. Common sense, masakit sa ulo 'yan. Kaya hindi ako magbabasa ng libro. (BWAHAHAHA!) Kaya sana ay ipagdasal mo akong makakuha ng mataas na marka kahit summary lang ang babasahin ko. Please?


Pangatlo. Ang dami kong kailangang tapusin para sa school. :(

Pang-apat. Aalis kasi kami bukas, kaya, hindi ko magagawa 'yung mga kelngan kong gawin bukas.

Panglima. Nandito pa rin ako sa harapan ng computer. At hindi ko mapigilang gumala kung saan saan.

Sana ay maawa ka sa akin at isama mo ako sa prayers mo. Kung pwede, turuan mo na rin ako sa Physics. Wala kasi talaga akong alam. Tuwing nagdidiscuss, parang alien talk ang ginagawa ni Sir. 'Yun ang dating sa tenga ko, kaya hindi ko maintindihan. Kaya have mercy on me.

Friday, February 26, 2010

Songs and Flowers.

Mahilig sina mong at brent sa mga koreano, hapon, itski at kaht taiwanese pa. Basta 'ung may mag singkit na mata, at may 'di maintindihang salita, gusto nilang pinapanuod. Naalala ko 'yung isang music video na pinakita nila sa akin. Wedding Dress yata ang title 'nun. Nakakaawa 'yung lalaki kasi may bestfriend siyang babae, lagi silang magkasama, pero tatlo talaga silang magkakaibigan. At 'yung isa, lagi na lang sumisingit tuwing magkasama sila 'nung babae niyang kabigan. Pati sa pagpopropose, wala, sumingit ang dakilang extra sa eksena at sinuotan bigla ng singsing 'yung babae. Hindi ko alam kung naintindihan mo 'yung nabasa mo, pero naaawa ako dahil nandoon na siya, ilalabas na niya 'yung singsing, tapos, biglang may haharang.

Nakakainis talaga. Nakakaawa 'yung lalaki. :(

Tapos, biglang napunta ang usapan sa mga pangarap namin sa buhay. Mga mababaw na pangarap lang, at hindi naman konektado sa pagtatrabaho ko. Ikaw, nakatanggap o nakapagbigay ka na ba ng boquet ng bulaklak? Alam mo bang gusto kong makatanggap 'nun? Masarap lang kasi sa pakiramdam, at parang napakaswerte ko dahil napili akong bigyan ng flowers. Kahit na sabihin nilang nalalanta lang naman, sayang lang.

Para sa akin, kahit namamatay siya, at least, dati siyang buhay. Kaysa naman makatanggap ka ng isang bagay na kailanman ay hindi pala nag-exist. Isang malaking kalokohan lang pala ang pinaniniwalaan mo. Hindi nga siya matatapos, kasi, wala naman palang nasimulan.

Gusto ko rin, padadalhan ako ng letters. Sulat, 'yun binibgyang effort. Hindi ko rin alam kung bakit, pero, para kasing bihira na 'yung gumagawa noon ngayon, kaya siguro, kapag nakkita ako ng ganung tao, may bagay na espesiyal sa kniya. Tska, gusto kong kantahan ng mga kantang magsasabi sa akin na, kahit hindi ako ang pinakamaganda, kahit hindi ako pinakamabait, kahit hindi ako yung ideal girl niya, AKO PA RIN TALAGA.

Sabi ko kanina, mga mababaw lang na pangarap ko. Pero, sa tingin ko, mahirap talagang maabot ko. Hindi ko alam kung mangyayari ba ang mga 'yan sa akin. Wala sigurong lalaking magtyatyagang gawin 'yang mga 'yan sa akin. Malabo siguro. Kasing labo ng mga paningin ko.

1.10.AM

Holibeh.

Siyempre ang taong pagod, ay isa ring taong gutom. Kaya kami'y LUMAMON. Sabi ni Brent, sa HOLIBEE na lang tayo kumain. Sabi ko, saan? At talagang nag-isip ako ha. Jolilbee lang pala. Anakngtinapa. Balak pa nilang magpadeliver ng jollibee, eh mga 100 steps lng 'yung mula sa bahay ko. Kaya, sa huli, ako'y nagwagi. Sabi ko, lumabas na lang kami. Masayang kumain, kaya lang, may side effect ang pagkain sa akin. Sobrang laki ng tiyan ko after. Nakikita mo ba kung gaano ako kapayat? Tapos, imaginin mo, malaki ang tiyan ko, mga almsot 3 months pregnant ang dating, nakaktakot diba? Mukhang alien. Pero, alangan namang pgilin ko ang pagkain, di nga ako mukhang alien, mukha namang bungo. Kaya, sige, CHIBOG dito, CHIBOG doon.

Dapat, manonood na kami Sherlock Holmes, kaso, wala kasing subtitles. Eh, ayaw ko. Gusto ko, kapag pinanuod ko 'yun, maiintindihan ko. LABINDALAWA ba naman kami, tiyak, di ko maiintindihan ng maayos. Kaya, UP na lang, kahit napanuod ko na. Si Kirby at Mong din, pero, ayos lang, I like that film. KYOT ni RUSSEL ee.

Kaso, sobrang nagloko 'yung player. Ang dakilang salarin, si ENGE. Pero, siya rin naman nakapagpagana ee, kaya, ayos na rin. Na-enjoy rin nila 'yung palabas, kaso, ako, halfway through, nakatulog ako. Ewan ko kung bakit, ay alam ko na pala. Ikaw alam mo? Magbasa ka kasi, nang malaman mo. E di maingay pa rin, siyempre, kami pa. Kasi, maganda naman 'yun palabas. Kaya, bawat eksena, maraming reactions ang maririnig. Masaya talaga silang kasamang manuod, napakalively. Di ka mabobore, kasi, parang lahat kayo nandoon sa movie. Minsan nga, nasosobrahan na, pati direktor, pinangungunahan na.

At biglang pinaalala sa kanila ang tunay nilang pakay sa bahay ko - ANG GUMAWA NG PROJECT SA HUMA. Kasi, hindi na natapos 'yung movie, biglang nagloko, mga 20 minutes na lang. Sayang, nakakiyak pa naman 'yung huli noon, di nila nakita. :(

Ikaw, baka kailangan mong maiyak, matuwa at matouch, manuod ka na rin ng UP.

9.51.PM

Meatballs.

Teka, nabanggit ko ba kung bakit sila pupunta rito? Gagawa kasi sila nga HUMA project. Sina de juan, enge, fita, allena, glenn, lois, brent, ange at cleo. Tapos, kasama rin si glea at si mong. At pwede ba naman akong mawala. Asa namang makakagawa silang project kung di ako kasali sa sarili kong bahay. :p

Wala pa kasi si brent, kaya di pa sila makagawa ng project. Nanood muna kami ng pelikula. Eh di hanap naman ako nang pwedeng panuorin. Tapos, naalala ko, may CD dito 'nung Cloudy with a Chance of Meatballs. Mukha namang maganda ee, kaya kahit pambata, GO lang. Young at heart naman kami.

Abaaaa. At malinaw 'yung CD. Eh di masaya diba? Tama pa 'yung subtitles. Oyeaaa. masayang masaya. Ang ganda 'nung movie. Sobrang na-enjoy ko. Siympre, alam kong added factor na 'yung may mga kasama kang tatawa, sisigaw, at magugulat. Pero, maganda talaga siya. Siguro, kung sa sinehan namin pinanuod 'yun, nakakhiya kami. Ang ingay ingay namin.

nood. tawa. halakhak. sigaw. nood. tawa. awwww. kyot. halakhak. ngiti. kwento. nood.

Nakakatuwa talaga. Hindi ko alam kung paano ko ipapaapreciate sa'yo 'yung pelikula, pero, maganda talaga. Kewl kasi, alam mo kung bakit? ewan ko rin, pero maraming mga bagay ang nakakiliti at nakapagpatawa sa amin.

Una. Ang laki ng mata niya. As in M A L A K I. Pero ang funny dun is, ang kyot pa rin nyang tingnan. BLUE kasi ee, kea hangganda pa rin.



Pangalawa. Nag-imbento siya ng sapatos na hindi na kailangan ng laces. I-spray na lang, nasa paa na. Ang kaso, di na niya natanggal hanggang sa paglaki niya. LOL.

Pangtalo. Meron siyang science laboratory. Parang si Jimmy Neutron. At laging palpak ang mga ginagawa niya.



Pang-apat. Ang KYOT ng tatay niya. \m/



Panglima. Nagpapaulan siya ng mga pagkain. Name it, and you got it.



Pang-anim. Lahat ng ginagawa niya, kailangan sinasabi pa niya. typing. restarting. drawing. thinking. throwing.

Pangpito. Kasi akala niya, lalong maaatract sa kaniya ang babaeng may peanut allergy kapag sinabi niyang meron din siya.

Pangwalo. Kasi, gumawa siya ng giant jell - o, giant jell - o mansion, at doon niya dinala ang first date niya.


Pangsiyam. Kasi, naging CHICKEN BRENT si BABY BRENT.

Pangsampu. Kasi, kapag kumiss siya, nakalobo ang mukha.

At panghuli, dahil sinabi niyang, "I'm a junk, a trash. So I threw myself in this garbage can." at "I wanted to run away, but you can't run from your own twoo feet."

Madaming dahilan kung bakit FUN movie 'to, pero, kapag sinubukan mong panuorin, magsama ka ng ibang tao, kung pwede, mga kaibigan mo. Kasi, kapag mag-isa ka lang, baka masabihan kang natanggalan ng tornilyo sa utak. At least, kapag kasama mo ang kaibigan mo, marami kayong nawalan na ng mga tornilyo sa utak.

8.35.PM.

Dalawang oras.

Naranasan mo na bang pumasok sa eskwela sa loob lang ng 2 oras? Ako, oo. Kanina, dalawang oras lang ang pasok namin. Kasi, may exams kaming kinukuha, 'yung FAT nga. Kung nagbabasa ka rito, alam mo kung ano 'yun. At dahil puyat nga ako, (alam mo rin ang dahilan kung nagbabasa ka nga) hirap na hirap akong bumangon kaninang umaga. Pero, ano pa nga banag magagawa ko? Eh ako rin namang ang kawawa kung sakaling late akong darating sa school.

Matapos ang dalawang mahahalangang oras na 'yun, tumambay muna kami sa labas ng Maceda. Sa MaSci, may kaniya-kaniyang balware ang bawat batch. Siguro pwede nang sabhing teritoryo ng fourth year ang Maceda Building. Kapag may hinahanap kang nilalamang, at senior siya, pumunta ka ng Maceda, 80 percent of the time, makikita mo siya roon. O so 'yun nga. Chikahan dito, tawanan doon. Harutan dito, sigawan doon. Matapos ang mga maiingay na tunog na ginawa namin upang magambala ang ibang tao, ay napagdesisyunan na naming umalis ng MaSci. Maaga pa talaga, nakakpanibago. Papasok pa lang ang ilan, kami, pauwi na.

Ay, ako lang pala ang uuwi. Alam mo kung bakit? Kasi, bahay ko ang pupunatahan. Oyea.

Sumakay na kami ng LRT. Siyempre, walang tao. Halos lahat kasi, doon sa kabila sumasakay sa mga ganoong oras. Karamihan kasi papasok. Eh wala sila sa amin, pauwi. \m/

Tapos, biglang may nag-vibrate sa bulsa ko. ZOMG. Cellphone ni Brent, na sa akin nga pala, pero wala siya roon. Pumuntang dentist, pero susunod naman. Nakakaloka, kasi, paano namin siya makokontact kung ang fone niya ay nasa amin? Baliw rin 'yun, di man lang kinuha 'yung telepono bago pa siya umalis. Eh, big boy na siya, kaya na niyang pumunta sa bahay mag-isa. Di ba Baby Brent? (Hindi mo maiintindihan ang significance ng tawag na 'yan kung hindi mo ipagpapatuloy ang pagbabasa. Sige ka, di mo 'yan magegets. :p)

At dahil may experience na ako sa mga tricycle drivers lalo na kapag marami akong kasama, nagplano muna ako. baka kasi matrauma sila kapag hindi maayos. Kaya, sa awa ng Diyos, nakarating naman kami ng matiwasay sa bahay. Buo pa naman mga katawan namin, good to go pa.

Pag dating sa bahay, narealize kong, mas mahaba pa ang travel time ko papunta at pauwi ng school kaysa sa tinagal ko mismo doon. Mas mahal rin ang gastos sa pamasahe kaysa sa nagastos ko sa school. O well, at least, walang klase.

7.37.PM

Thursday, February 25, 2010

1.18 AM.

Saktang 1:18 na nang umaga. May pasok ako mamaya, pero, ewan, nagbloblog ako. Maikli lang 'to, promise. Naubos lang oras ko sa YM, FB at Tumblr. Binati ko na si Internet. At muli'y trinaydor niya ako. Hindi ako nakapagbasa. Kawawang bata. Bawal pa akong makatulog, paano na lang ako bukas. Wala akong masasagot nito ee. Nako, lagot talaga ako.

O sige, wala lang talaga 'to. Gusto ko lang ishare na gising pa ako, alive and kicking pa.

Huling Pagsubok.

Bukas, biyernes, huling araw ng FAT, o Final Achievement Test. MATH at THE ang subjects na itetake namin bukas. Syempre, puro na naman ako mga papel dito. Kaso, sadyang mas matimbang ang laptop ko kesa sa mga papel sa paligid ko. Obvious naman diba? Nagtatatype pa rin kasi ako hanggang ngayon.

Kanina, ECO, Physics at MAPEH 'yung mga kinuhanan namin ng exams. As usual, hindi ko naintindihan ang ECO, paulit-ulit lang ang tanong sa MAPEH, at inantok na naman ako sa Physics. At dahil napakagaling kong estudyante, nanakit ang mga braso ko. Alam mo kung bakit? Kasi, tuwing matatapos ang test, matutulog ako. At lahat ng bigat ko, nilalagay ko sa braso ko. 'Di ko rin maexplain, paganahin mo na lang ang imahinasyon mo. Baka sakaling mapicture mo kung paano ko ginagawa 'yun.

Pag-uwi ko, alam ko, marami talaga akong dapat gawin. Eh nabuksan ko na agad ang laptop at internet, BOOOM. I'm doomed. Inabot na ako ng ala-sais dito. Hulaan mo kung ilang oras na ako nandito, kung dumating ako ng bahay ng alas-dose. Kawawa ang laptop ko, ang kuryente namin, ang mga magulang ko, at higit sa lahat, ako. Wala kasi akong nagagawa dahil sa walangyang internet na 'to. Sino ba nag-imbento nito? Ibibitin ko nang patiwarik. Abaa, nagkalao-labo na ako dahil sa internet na 'yan aa. Tss.

O siya, since nagmamaktol ako tungkol sa Internet, aalis na muna ako. WAR muna kami ng internet. Mamaya ko na babatiin at susuyuin.

Paunang Salita.

Hey there blogger.
Ah, uhm, ugh.
Matagal ko nang pinangako sa sarili kong magmamaintain ako ng blog.
Kaso, siguro nga, promises are meant to be BROKEN.
Kaya kahit pinangako ko na 'yun sa sarili ko, well, wala pa rin namang kinahantungan.

Pero, everybody deserves a second CHANCE.
Ito na 'yun, gumawa na ako ng account, at sana'y maalagaan ko ito nang maayos.

I'm guessing puro nonsense stuff at rants ko lang ang makikita rito once I actually do start the "blogging".
Personal diary, pwede na rin siguro.
Mahirap kasing kimkimin ang lahat ng naiiisip, nararamdaman at gustong sabihin.
Baka mamatay ako ng maaga.
Kaya, since hindi naman magrereklamo ang blogger kahit ano pa ang isulat ko, eh, pupunuin ko 'to ng mga gusto kong sabihin.

Hindi mo na 'to kailangang pagtyagaan.
Kung kailangan mo nang umalis, you're free to go.
Pero kung gusto mo naman ang nababasa mo, sige lang.
Tara, laro tayo.