Friday, February 26, 2010

Meatballs.

Teka, nabanggit ko ba kung bakit sila pupunta rito? Gagawa kasi sila nga HUMA project. Sina de juan, enge, fita, allena, glenn, lois, brent, ange at cleo. Tapos, kasama rin si glea at si mong. At pwede ba naman akong mawala. Asa namang makakagawa silang project kung di ako kasali sa sarili kong bahay. :p

Wala pa kasi si brent, kaya di pa sila makagawa ng project. Nanood muna kami ng pelikula. Eh di hanap naman ako nang pwedeng panuorin. Tapos, naalala ko, may CD dito 'nung Cloudy with a Chance of Meatballs. Mukha namang maganda ee, kaya kahit pambata, GO lang. Young at heart naman kami.

Abaaaa. At malinaw 'yung CD. Eh di masaya diba? Tama pa 'yung subtitles. Oyeaaa. masayang masaya. Ang ganda 'nung movie. Sobrang na-enjoy ko. Siympre, alam kong added factor na 'yung may mga kasama kang tatawa, sisigaw, at magugulat. Pero, maganda talaga siya. Siguro, kung sa sinehan namin pinanuod 'yun, nakakhiya kami. Ang ingay ingay namin.

nood. tawa. halakhak. sigaw. nood. tawa. awwww. kyot. halakhak. ngiti. kwento. nood.

Nakakatuwa talaga. Hindi ko alam kung paano ko ipapaapreciate sa'yo 'yung pelikula, pero, maganda talaga. Kewl kasi, alam mo kung bakit? ewan ko rin, pero maraming mga bagay ang nakakiliti at nakapagpatawa sa amin.

Una. Ang laki ng mata niya. As in M A L A K I. Pero ang funny dun is, ang kyot pa rin nyang tingnan. BLUE kasi ee, kea hangganda pa rin.



Pangalawa. Nag-imbento siya ng sapatos na hindi na kailangan ng laces. I-spray na lang, nasa paa na. Ang kaso, di na niya natanggal hanggang sa paglaki niya. LOL.

Pangtalo. Meron siyang science laboratory. Parang si Jimmy Neutron. At laging palpak ang mga ginagawa niya.



Pang-apat. Ang KYOT ng tatay niya. \m/



Panglima. Nagpapaulan siya ng mga pagkain. Name it, and you got it.



Pang-anim. Lahat ng ginagawa niya, kailangan sinasabi pa niya. typing. restarting. drawing. thinking. throwing.

Pangpito. Kasi akala niya, lalong maaatract sa kaniya ang babaeng may peanut allergy kapag sinabi niyang meron din siya.

Pangwalo. Kasi, gumawa siya ng giant jell - o, giant jell - o mansion, at doon niya dinala ang first date niya.


Pangsiyam. Kasi, naging CHICKEN BRENT si BABY BRENT.

Pangsampu. Kasi, kapag kumiss siya, nakalobo ang mukha.

At panghuli, dahil sinabi niyang, "I'm a junk, a trash. So I threw myself in this garbage can." at "I wanted to run away, but you can't run from your own twoo feet."

Madaming dahilan kung bakit FUN movie 'to, pero, kapag sinubukan mong panuorin, magsama ka ng ibang tao, kung pwede, mga kaibigan mo. Kasi, kapag mag-isa ka lang, baka masabihan kang natanggalan ng tornilyo sa utak. At least, kapag kasama mo ang kaibigan mo, marami kayong nawalan na ng mga tornilyo sa utak.

8.35.PM.

6 comments:

  1. Napronounce mo ba yan ng maayos? Kasi, ang arte ng name ee! :D

    ReplyDelete
  2. Hehe! Ange! Ano kaya magandang panuroin sa susunod? ;))

    ReplyDelete
  3. haha. papanoorin ko ito after ng periodic. :)) weeee. sabi ng kapatid ko maganda raw e. :D

    ReplyDelete
  4. GO MAMI KEI! Yea, ansaya nga manuod ee. Seriously, nakakatuwa talaga. :p

    ReplyDelete