Bukas, biyernes, huling araw ng FAT, o Final Achievement Test. MATH at THE ang subjects na itetake namin bukas. Syempre, puro na naman ako mga papel dito. Kaso, sadyang mas matimbang ang laptop ko kesa sa mga papel sa paligid ko. Obvious naman diba? Nagtatatype pa rin kasi ako hanggang ngayon.
Kanina, ECO, Physics at MAPEH 'yung mga kinuhanan namin ng exams. As usual, hindi ko naintindihan ang ECO, paulit-ulit lang ang tanong sa MAPEH, at inantok na naman ako sa Physics. At dahil napakagaling kong estudyante, nanakit ang mga braso ko. Alam mo kung bakit? Kasi, tuwing matatapos ang test, matutulog ako. At lahat ng bigat ko, nilalagay ko sa braso ko. 'Di ko rin maexplain, paganahin mo na lang ang imahinasyon mo. Baka sakaling mapicture mo kung paano ko ginagawa 'yun.
Pag-uwi ko, alam ko, marami talaga akong dapat gawin. Eh nabuksan ko na agad ang laptop at internet, BOOOM. I'm doomed. Inabot na ako ng ala-sais dito. Hulaan mo kung ilang oras na ako nandito, kung dumating ako ng bahay ng alas-dose. Kawawa ang laptop ko, ang kuryente namin, ang mga magulang ko, at higit sa lahat, ako. Wala kasi akong nagagawa dahil sa walangyang internet na 'to. Sino ba nag-imbento nito? Ibibitin ko nang patiwarik. Abaa, nagkalao-labo na ako dahil sa internet na 'yan aa. Tss.
O siya, since nagmamaktol ako tungkol sa Internet, aalis na muna ako. WAR muna kami ng internet. Mamaya ko na babatiin at susuyuin.

No comments:
Post a Comment