Friday, February 26, 2010

Songs and Flowers.

Mahilig sina mong at brent sa mga koreano, hapon, itski at kaht taiwanese pa. Basta 'ung may mag singkit na mata, at may 'di maintindihang salita, gusto nilang pinapanuod. Naalala ko 'yung isang music video na pinakita nila sa akin. Wedding Dress yata ang title 'nun. Nakakaawa 'yung lalaki kasi may bestfriend siyang babae, lagi silang magkasama, pero tatlo talaga silang magkakaibigan. At 'yung isa, lagi na lang sumisingit tuwing magkasama sila 'nung babae niyang kabigan. Pati sa pagpopropose, wala, sumingit ang dakilang extra sa eksena at sinuotan bigla ng singsing 'yung babae. Hindi ko alam kung naintindihan mo 'yung nabasa mo, pero naaawa ako dahil nandoon na siya, ilalabas na niya 'yung singsing, tapos, biglang may haharang.

Nakakainis talaga. Nakakaawa 'yung lalaki. :(

Tapos, biglang napunta ang usapan sa mga pangarap namin sa buhay. Mga mababaw na pangarap lang, at hindi naman konektado sa pagtatrabaho ko. Ikaw, nakatanggap o nakapagbigay ka na ba ng boquet ng bulaklak? Alam mo bang gusto kong makatanggap 'nun? Masarap lang kasi sa pakiramdam, at parang napakaswerte ko dahil napili akong bigyan ng flowers. Kahit na sabihin nilang nalalanta lang naman, sayang lang.

Para sa akin, kahit namamatay siya, at least, dati siyang buhay. Kaysa naman makatanggap ka ng isang bagay na kailanman ay hindi pala nag-exist. Isang malaking kalokohan lang pala ang pinaniniwalaan mo. Hindi nga siya matatapos, kasi, wala naman palang nasimulan.

Gusto ko rin, padadalhan ako ng letters. Sulat, 'yun binibgyang effort. Hindi ko rin alam kung bakit, pero, para kasing bihira na 'yung gumagawa noon ngayon, kaya siguro, kapag nakkita ako ng ganung tao, may bagay na espesiyal sa kniya. Tska, gusto kong kantahan ng mga kantang magsasabi sa akin na, kahit hindi ako ang pinakamaganda, kahit hindi ako pinakamabait, kahit hindi ako yung ideal girl niya, AKO PA RIN TALAGA.

Sabi ko kanina, mga mababaw lang na pangarap ko. Pero, sa tingin ko, mahirap talagang maabot ko. Hindi ko alam kung mangyayari ba ang mga 'yan sa akin. Wala sigurong lalaking magtyatyagang gawin 'yang mga 'yan sa akin. Malabo siguro. Kasing labo ng mga paningin ko.

1.10.AM

No comments:

Post a Comment