Tuesday, March 2, 2010

Kalbaryo.

Nakaligo ka na ba sa dagat ng mga papel? Ako, maliligo pa lang. Alam mo kung bakit? Kasi bukas, Peridic Test. Nakakinis diba? Kasi, wala naman akong alam. Anong isasagot ko roon. UGH. Nakakainis talaga. Tapos, kahit inis na inis na ako, hindi pa rin ako nag-aaral. Kasi diba nandito ako ngayon, nagtatatype pa rin? Pero bigla kong napagtantong, huling Periodic ko na 'to sa MaSci. Ang bilis ng panahon no? Kasi, ilang araw na lang, oo, araw na lang ang bibilangin, lilisanin ko na ang Manila Science. Gusto ko tuloy biglang gumawa ng blog tungkol sa aking buhay masci. Pero, 'wag muna ngayon, kailangan ko nang mag - aral.

Magpapasko muna ako sa loob ng mga libro. Iwanan niyo na lang ako ng aguinaldo, at padadalhan ko kayo ng sulat kapag natanggap ko na.

No comments:

Post a Comment